Turn-over ceremony agad isinagawa matapos magbitiw bilang PNP chief si Albayalde
Matapos maghain ng non-duty status agad nagkaroon ng turn-over ceremony sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Si Lt. Gen. Archie Gamboa ang magsisilbing officer-in-charge kapalit ni Albayalde.
Isinagawa ang turn-over ceremony sa harap ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Ano.
Sa kaniyang pahayag matapos ang turn-over ceremony nagbigay ng mensahe si Gamboa sa hanay ng pambansang pulisya.
Ani Gamboa, hinihimok niya ang lahat na gawin lamang ang kanilang pang-araw araw ng gampanin at huwag hayaang maapektuhan sila ng mga kontrobersiya.
Sinabi ni Gamboa na magiging madali lamang din para sa kanila ni Albayalde ang transition.
Naging chief of staff umano siya ni Albayalde kaya hindi na rin naman siya mahihirapan sa trabaho bilang OIC ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.