Albayalde maaaring napuno na kaya nagbitiw sa pwesto – Malakanyang

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2019 - 09:51 AM

Maaari umanong napuno na si General Oscar Albayalde kaya nagpasya nang magbitiw sa pwesto bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo  na nadadamay na rin kasi ang pamilya ni Albayalde matapos itong madawit sa isyu ng drug recycling o ninja cops.

Ani Panelo, nabugbog ng husto sa senate hearing si Albayalde.

“I can only speculate that he has had enough”, ani Panelo.

Bilang isang abogado, sinabi ni Panelo na masasabi niyang ang mga pahayag ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong laban kay Albayalde ay pawang “hearsay” lamang.

Dagdag pa nito, dapat pa ring magpakita ng matibay na ebidensya na nagbenepisyo talaga si Albayalde sa maanomalyang drug operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Bagaman manananatili pa sa hanay ng PNP hanggang siya ay magretiro ay iniwan na ni Albayalde ang pwesto bilang PNP chief.

TAGS: ninja cops, non-duty status, Oscar Albayalde, PH breaking news, PNP chief, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, ninja cops, non-duty status, Oscar Albayalde, PH breaking news, PNP chief, Salvador Panelo, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.