Katawan ng isang lalaki at babae natagpuang patay sa loob ng isang STL outlet sa Sarangani

Walang buhay, nakagapos ang mga kamay, at may karatulang may nakasulat na “drug pusher kami, huwag tularan,layas sa Region 12” ang katawan isang babae at lalaking natagpuan sa isang STL outlet sa Purok Maharlika Alabel Sarangani Province.

Ayon kay Police Major Rey Salgado, hepe ng Alabel Police Station, bandang alas-7:00 kaninang umaga nang tumawag ang isang concerned citizen sa kanilang tanggapan patungkol sa dalawang bangkay na natagpuan sa loob ng isang STL outlet sa nasabing lugar.

Sa datos ng pulisya, nakuha mula sa babaeng biktima ang isang student permit na may pangalang Alona Aleman Pasilan na taga Liwayway Bo. 1 Banga South Cotabato.

Patuloy paring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa at ang salarin sa likod ng nasabing krimen.

Read more...