LOOK: CJ Bersamin binigyang-parangal sa huling pagdalo niya sa flag-raising ceremony bilang punong mahistrado

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2019 - 08:49 AM

Binigyang parangal si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa idinaos na flag-raising ceremony sa Korte Suprema ngayong araw ng Lunes, Oct. .14.

Ito na kasi ang huling pagdalo ni Bersamin sa flag-raising bilang isang punong mahistrado.

Sa October 18, sasapit si Bersamin sa mandatory retirement age na 70.

Bilang pagkilala sa ika-25 punong mashitrado ng SC, pinagkalooban si Bersamin ng military honors.

Naglatag ng red carpet at naghanda ng asul na mga lobo ang mga empleyado ng SC sa grounds ng Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila.

Una nang sinabi ni Bersamin na sa kaniyang pagreretiro ay nais niyang maalala siya bilang “Healing Chief Justice”.

TAGS: Chief justice, healing chief justice, Lucas Bersamin, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, retirement age, Supreme Court, tagalog news, Chief justice, healing chief justice, Lucas Bersamin, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, retirement age, Supreme Court, tagalog news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.