11 arestado sa illegal na pagsusugal sa Nueva Ecija
Arestado ang labingisang katao dahil sa ilegal na pagsusugal sa San Jose City, Nueva Ecija.
Dalawang magkahiwalay na operasyon ang ikinasa ng San Jose City police sa Barangay Sto. Nino Linggo (Oct. 13) ng hapon.
Unang nadakip ang pitong suspek na kinilalang sina:
– Elma Vigilia, 56 anyos
– Rodrigo Boncato, 69 anyos
– Myrna Silan, 69 anyos
– Rosenda Salvador, 66 anyos
– Rosalie Barrientos, 70 anyos
– Lyndo San Roque, 54 anyos
– Cynthia Bautista, 51 anyos
Nakuha sa kanila ang isang set ng mahjong tiles, playing cards, at P909 na tayang pera.
Makalipas ang dalawang oras, isa pang pasugalan din sa parehong barangay ang sinalakay ng mga otoridad kung saan naaresto naman sina:
– Alexander Soliven, 44 anyos
– Ariel Acorda, 44 anyos
– Joven Franco, 49 anyos
– Joel Vivero, 47 anyos
Ang apat at nakuhanan naman ng isang set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng P1,453.
Nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa PD 1602 ang games suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.