Melissa Ricks may powerful message para sa mga tulad niyang ina

Inspirasyon ngayong ang turing ng ilang mga nanay sa aktres na si Melissa Ricks kasunod ng ‘powerful message’ nito sa Instagram.

Sa kanyang post, sinabi nito na nag-eedit sana siya ng isang larawan para sana i-post.

Gayunman, bigla niya na lamang napagdesisyunan niya na panatilihing ‘raw’ ang kanyang photo dahil ito ang tunay na ‘siya’

Anya, bawat peklat, stretch mark, at wrinkle ay bahagi ng kwento ng bawat isa.

Ayon sa aktres, lahat ng nanay ay ‘espesyal’ at hindi dapat hayaan ang sinuman na baguhin ang paniniwalang ito.

Ayon kay Ricks, sa kabila ng mga pagbabago sa kanyang katawan ay naging mas matapang at mas malakas siya dahil sa Diyos na nasa kanyang tabi.

Umani na ng higit 34,000 likes ang post ng Ricks sa Instagram.

Read more...