Filipina boxer nakasungkit ng gold medal sa world championship sa Russia

By Rhommel Balasbas October 14, 2019 - 06:29 AM

Photo from Ed Picson / Instagram

Wala pang 24 oras matapos ang panalo ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo, isa pang Filipina ang nag-angat ng bandila ng Pilipinas sa larangan ng palakasan.

Ito ay makaraang maiuwi ni Nesthy Petecio ang gintong medalya araw ng Linggo sa 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships sa FSk Sports Complex, Ulan-Ude Russia.

Tinalo ni Petecio via split decision ang hometown bet na si Liudmila Vorontsova.

Umabante sa finals si Petecio matapos matalo si Karris Artingstall ng England sa iskor na 4-1 sa semis.

Nagpahayag ng kasiyahan si Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas sa pagkapanalo ng Pinay boxer.

“Deserving” anya ito sa panalo hindi lamang sa ipinakitang laban kundi dahil sa naging sakripisyo nito.

TAGS: 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships, Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas, Carlos Yulo, Filipina boxer, Filipino gymnast, Nesthy Petecio, 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships, Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas, Carlos Yulo, Filipina boxer, Filipino gymnast, Nesthy Petecio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.