ITCZ nakakaapekto sa Mindanao at Palawan; SLPA binabantayan

By Rhommel Balasbas October 14, 2019 - 05:14 AM

Dalawang weather systems ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa habang isa pang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan sa ngayon ng PAGASA.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, nakakaapekto ang isang inter-tropical convergence zone (ITCZ) sa buong Mindanao at Palawan habang northeasterly surface windflow naman ang umiiral sa Luzon.

Mayroon ding shallow low pressure area (SLPA) na binabantayan sa labas ng PAR.

Hindi inaasahang maging bagyo ang SLPA ngunit posibleng magdala ito ng mga pag-ulan sa eastern sections ng Visayas at Southern Luzon.

Sa Metro Manila, Northern at Central Luzon at Bicol Region, maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Dahil naman sa epekto ITCZ, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, inaasahan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas naman ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, northern coast ng Cagayan at Ilocos Norte.

TAGS: inter-tropical convergence zone (ITCZ), Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, shallow low pressure area (SLPA), inter-tropical convergence zone (ITCZ), Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, shallow low pressure area (SLPA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.