Aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, Linggo ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) bandang, alas-9:00 nang magsimula ang sunog at agad itong kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Walang kuryente sa bahay na pinagmulan ng sunog at posible umanong napabayaang sinaing ang pinagmulan nito.
Pero hindi ito kinagat ng isa sa mga residenteng nasunugan dahil mayroon umanong mga nag-iinuman at gumagamit ng shabu sa bahay na pinagmulan ng sunog.
Posible umanong ang kandilang ginamit nila ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tuluyang naapula alas-10:18 ng gabi.
Wala namang nasaktan sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.