2 Koreano timbog dahil sa pekeng pera sa Pasay City

Arestado ang dalawang lalaking Koreano matapos gumamit ng pekeng pera sa paglalaro sa isang casino sa Pasay.

Ayon kay Pasay Police chief Col. Bernard Yang, pumasok sa casino ang dalawang suspek at nagtangkang kumuha ng casino chips.

Pero bago makapaglaro, napansin na ng cashier na peke ang dalang pera ng mga ito.

Aabot sa labinlimang 1,000 peso bills ang inabot ng dalawa o dapat ay P15,000 pesos.

Pero agad na nagtawag ang cashier ng security at ipinaaresto ang dalawang Koreano na nakatira sa BGC, Taguig at nagtratrabaho sa may managerial positions.

Mahaharap ang dalawang sa kasong paglabag sa illegal possession of counterfeit Philippine money.

Read more...