Biyahe ng LRT-2 pinaaga na

Magandang balita para sa mga commuters!

Kahit partial operations pa rin ang ipinatutupad, mas maaga na ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) – Line 2 simula ngayong Lunes, October 14.

Alas-5:00 na ng umaga ang operasyon ng LRT-2 stations mula Recto hangang Cubao.

Ang huling commercial trip sa Cubao ay alas-8:30 ng gabi habang alas-9:00 ng gabi naman sa Recto.

Balik na rin ang libreng sakay ng mga estudyante sa LRT-2 system mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-3:00 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Maaaring i-avail ang libreng sakay mula Lunes hanggang Biyernes maliban sa holidays.

Ang limitado pa ring operasyon ng LRT-2 ay bunsod ng nasunog na rectifiers sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations.

Read more...