NCRPO: 20,000 pulis ipakakalat sa Metro Manila para sa 30th SEA Games
Nasa 20,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila sa darating na 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang Metro Manila ay isa sa anim na lugar na pagdarausan ng SEA Games.
Ayon kay dating NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, bukod sa mga pulis, idedeploy din ang mga sundalo mula sa Joint Task Force NCR at mga personnel mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Mayroong 12 sports venues sa Metro Manila para sa SEA Games bukod pa sa halos 24 na hotel kung saan manunuluyan ang mga atleta at sports officials.
Ayon kay Eleazar, handa na ang seguridad para sa sports venues batay sa resulta ng isinagawang Security and Survey Inspection (SSI) ng Metro Manila police chiefs at station commanders.
Kumpyansa si Eleazarna maibibigay ang seguridad para sa palaro at makakasabay ang NCRPO sa mga adjustments.
Dahil itinlaga bilang bagong PNP Directorial Staff chief, sinabi ni Eleazar na naipasa na ngayon kay bagong NCRPO police chief Brig. Gen. Debold Sinas ang lahat ng security preparations.
Ang SEA Games ay magaganap sa November 30 hanggang December 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.