DOT: Bilang ng bumisitang foreigners sa bansa, lampas 5 million na

By Rhommel Balasbas October 14, 2019 - 02:28 AM

Ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) ang dagsa ng mga dayuhang turista sa bansa para sa taong ito.

Ayon sa DOT, mula Enero hanggang Agosto, umabot na sa 5,554,950 ang dayuhang pumunta sa Pilipinas.

Mas mataas ang naturang bilang ng 14.08 percent kumpara sa bilang ng dayuhan sa kaparehong panahon noong 2018.

Pinakamarami ang turista mula Korea na nanguna rin noong nakaraang taon.

Sumunod naman ang China at pumangatlo ang Japan na naungusan ang pangatlo noong 2018, ang US.

Sa pahayag araw ng Linggo, sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat na ‘very encouraging’ ang tourist arrivals ngayong taon.

Malaki ang epekto ng dagsa ng mga dayuhan dahil umabot ang kanilang spending o paggasta sa P245 bilyon para lamang sa unang anim na buwan ng 2019.

Ayon kay Puyat, maganda ang mga pangyayaring ito at sinabing ang layuning maitaguyod ang turismo ng bansa ay para sa kapakinabangan ng lahat ng Filipino.

TAGS: Department of Tourism (DOT), foreign tourist arrivals, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, Department of Tourism (DOT), foreign tourist arrivals, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.