9 na bahay natupok ng apoy sa sunog sa Davao City

By Rhommel Balasbas October 14, 2019 - 01:47 AM

Nasunog ang siyam na bahay sa Purok 54, Block 2, Brgy. SIR Phase 1, Davao City Linggo ng hapon.

Ayon kay City Fire Marshall Major Virna Silagan, lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Danilo Camoro.

Mayroong mga batang naglaro ng posporo sa ikalawang palapag ng naturang bahay na naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Nahirapan ang mga bumbero na sa pag-apula agad sa sunog dahil makipot ang lugar at may mga nakaparada pang sasakyan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at maswerteng wala namang nasaktan dito.

Ayon kay Silagan, aabot sa P1.5 milyo ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog.

TAGS: Davao City, posporo, sunog, Davao City, posporo, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.