Mall sa Baghdad, Iraq pinasok ng ISIS, 12 patay

By Jay Dones January 12, 2016 - 04:05 AM

 

baghdad12 ang nasawi nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang isang mall sa eastern Baghdad sa Iraq.

Sa nasabing insidente, tinarget ng mga suspek ang al-Jawhara mall at hinostage ang hindi bababa sa 75 na namimili at namamasyal sa naturang establisimiyento.

Bago sumalakay, isang car bomb ang pinasabog ng mga suspek sa harapan ng mall na ikinasawi ng ilan ng mga biktima.

Bukod sa mga nasawi 25 iba pa ang nasugatan sa insidente.

Ang lugar ay tirahan ng mga Shiite muslim sa Baghdad.

Inako na ng ISIS ang naturang pananalakay sa naturang mall.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.