Bilang ng mga naarestong illegal aliens sa bansa mas mataas kumpara noong 2018 – BI
Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na ngayong taon ay aabot na sa 1,500 ang bilang ng mga illegal aliens sa bansa ang naaresto.
Ayon sa taga pagsalita ng BI na si Dana Sandoval na ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa taong 2018 kung saan mayroon lamang 500 illegal aliens ang nahuli.
Aniya , ang paglabag sa immigration laws tulad ng overstaying sa bansa, kakulangan ng mga dokumento at mga nagtatagong kriminal ay ilang lang sa mga kasong nilabag ng mga illegal alien sa bansa.
Sinabi rin ni Sandoval na nasa 13 milyong banyaga ang dumating sa bansa ngayong taon kung saan ang ilan sa kanila ay nagtatrabaho at nagaaral sa bansa.
Mas mataas rin anya ang bilang ng mga foreigners na pumasok sa Pilipinas ngayong taon kumpara noong 2018.
Pero karamihan naman anya sa mga illegal foreign workers sa bansa ngayon ay mga Chinese national.
Kaya naman sinabi ni Sandoval na naging mas strikto ang BI sa pagbibigay ng special working permits sa mga manggagawang dayuhan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.