Duterte kuntento sa clearing operations sa buong bansa
Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawa ng mga lokal na opisyal na pagtanggal ng mga obstruction sa mga kalsada sa buong bansa.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), kuntento ang pangulo sa ginawang clearing operations batay sa isinumite nilang report.
Sa text message sa INQUIRER.net, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na binati pa ng pangulo ang ahensya at mga lokal na opisyal na nakibahagi sa naturang hakbang.
“He is very satisfied and congratulated the DILG and the LGUs with resounding applause from him and the Cabinet members,” pahayag ng kalihim.
Sa DILG report, nasa 6,899 na mga lansangan ang natanggalan ng mga obstruction sa loob ng 60 araw.
Sa naturang bilang, 612 ang sa Metro Manila habang 1,148 na iba pang lokal na pamahalaan ang pumasa sa DILG validation at binigyan ng rank na high, medium o low compliance.
Pero 98 na lokal na pamahalaan ang bagsak o hindi nakasunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga obstruction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.