4 timbog sa buy bust sa Makati

By Len Montaño October 13, 2019 - 03:44 AM

File photo

Arestado ang dalawang lalaki at dalawang babae sa buy bust operation sa East Rembo, Makati City Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Makati Police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga at nang nagkaabutan na ay saka inaresto ang target ng operasyon na nakilala lamang sa alyas Mel.

Sa naturang operasyon sa 21st Avenue, naaktuhan naman ang tatlong iba pa na nasa gitna ng drug session.

Nakuha sa apat na suspects ang 43 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P21,000 gayundin ang ilang drug paraphernalia.

Nabatid na isa sa mga naaresto ay dati nang nahuli dahil rin sa droga.

 

TAGS: 4 arestado, 43 sachet, buy bust, drug paraphernalia, drug session, Makati, shabu, 4 arestado, 43 sachet, buy bust, drug paraphernalia, drug session, Makati, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.