Heart Evangelista nag ala-Audrey Hepburn sa 50th birthday ni Gov. Chiz

Heart Evangelista IG

Kaarawan ng kanyang asawa pero ang aktres na si Heart Evangelista ang agaw pansin dahil nag ala-Audrey Hepburn ito.

Sa ika-50 taong kaarawan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, rumampa si Heart na nakasuot at ginaya ang hitsura ng classic celebrity at fashion icon na si Hepburn.

Pero nilinaw ni Heart na mismong ang kanyang mister ang humiling na naturang costume o attire.

Gayang gaya ni Heart ang hitsura ni Audrey mula sa buhok at ang sikat na “little black dress” ng premyadong British actress.

Agaw-eksena ang sophisticated updo, walang kapantay na sunglasses at tila pagka-royalty ni Heart bilang si Audrey.

Sa kanyang Instagram ay makikita ang kaligayahan ni Sen. Chiz sa effort ng kanyang asawa.

Ibinahagi ng aktres ang mga litrato nila ng kanyang mister gayundin ang dalawang anak ng gobernador.

Read more...