Timbog ang isang kagawad ng barangay sa buy bust operation sa Sampaloc, Manila Linggo ng madaling araw.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 4 chief Captain Edwin Fuggan, ang suspect ay si Marius Alquiroz na kagawad sa Barangay 438.
Naaresto si Alquiroz sa operasyon ng pulisya sa Marzan Street.
Nakuha sa suspect ang tatlong sachet ng shabu.
Nahaharap si Alquiroz sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.