Dating pulis patay sa pamamaril sa Pasay

May person of interest na ang pulisya sa pamamaril sa isang dating pulis sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, itinuturing nilang person of interest sa pagpatay kay Joselito Lopez ang isang lalaking nakasuot ng puting pantaas at itim na sombrero na umanoy sumenyas sa gunman.

Sinuri pa umano ng naturang lalaki ang katawan ni Lopez kung patay na ito matapos itong barilin habang kumakain kasama ang kanyang anak.

Agad na namatay ang biktima matapos itong barilin sa batok ng gunman.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis kung pinatay ang dating pulis bunsod ng dati nitong posisyon bilang team leader sa intelligence unit ng Pasay City Police kung saan pinapangunahan nito ang mga operasyon laban sa droga.

 

Read more...