Sabayang patak kontra polio ng DOH simula na bukas
Magsisimula na bukas ang sabayang patak kontra polio ng Department of Health (DOH) sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa DOH, isasagawa ang sabayang bakuna laban sa polio mula October 14 hanggang 27 sa National Capital Region (NCR), Lanao del Sur, Marawi City, Davao City at Davao del Sur.
Samantala, sa November 25 hanggang December 7 naman ang sabayang patak kontra polio sa lahat ng lugar sa Mindanao at muli sa NCR habang gagawin muli sa buong Mindanao ang naturang hakbang sa January 6 hanggang 18.
Ayon sa DOH, dapat pabakunahan ang lahat ng batang wala pang limang taong gulang maski sila ay nabakunahan na o hindi pa.
Paalala pa ng ahensya, sa mga lugar na hindi nabanggit sa schedule ay dapat na kumpletuhin ang bakuna ng bata ayon sa immunization schedule.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.