Albayalde nilinaw na sa November 8 pa rin ang kanyang retirement

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na hindi mapapaaga ang kanyang pagreretiro.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sinabi sa kanya ni Albayalde sa text message na sa November 8 pa rin ang retirement nito.

Paliwanag ng PNP chief, “misquoted” siya dahil ang maaga lamang ay ang pagpasa nito ng pwesto sa susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Mapapaaga lamang anya sa October 29 ang kanyang pagbaba sa pwesto.

Una nang sinabi ni Albayalde na walang kinalaman sa kanyang retirement ang pagkasangkot niya sa isyu ng “ninja cops.”

Nabunyag sa imbestigasyon ng Senado ang umanoy papel ni Albayalde sa drug raid sa Pampanga noong 2013 na sinasabing isang kaso ng drug recycling.

 

Read more...