Magalong kumpyansa sa ebidensya laban kay Albayalde
Sa gitna ng banta ng kontra-kaso, kumpyansa si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ebidensya laban kay Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde.
Sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng “ninja cops,” isinangkot ni Magalong si Albayalde sa kwestyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013.
Pahayag ito ng alkalde matapos na kunin ni Albayalde ang beteranong abogado na si Estelito Mendoza para sa plano nitong sampahan ng kaso ang mga nag-akusa sa kanya.
Ayon kay Magalong, malalaman ng korte kung sino sa kanila ni Albayalde ang nagsasabi ng totoo.
Sakali anyang kasuhan siya ni Albayalde at matalo siya sa kaso at makulong ay okay lang kay Magalong dahil nalaman naman ng mga tao na nilabanan niya ang kasinungalingan.
Ilang beses nang itinanggi ni Albayalde ang mga alegasyon laban sa kanya at sinabi nitong pinagkakaisahan lamang siya ng mga nag-aakusa sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.