2 patay sa pananalasa ng Typhoon Hagibis sa Japan

By Len Montaño October 12, 2019 - 11:16 PM

AP photo

Dalawa na ang patay sa pananalasa ng Typhoon Hagibis sa Japan na nagdulot ng malakas na ulan at hangin sa bansa.

Ayon sa report, mahigit 30 katao naman ang nasugatan at mahigit pitong milyong iba pa ang inilikas.

Naglabas na ng pinakamataas na emergency warning bago pa nag-landfall ang malakas na bagyo sa Izu Peninsula bago alas 7:00 Sabado ng gabi.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 216 kilometers per hour.

Naitala ang dalawang landslides, isa sa mga ito ang dahilan ng pagkasawi ng isang lalaki sa Gunma sa hilaga ng Tokyo.

Samantala, sa gitna ng Typhoon Hagibis ay tumama naman ang magnitude 5.7 na lindol sa Tokyo.

 

TAGS: 2 patay, emergency warning, hangin, inilikas, Japan, Landfall, landslide, lindol, magnitude 5.7, Tokyo, Typhoon Hagibis, ulan, 2 patay, emergency warning, hangin, inilikas, Japan, Landfall, landslide, lindol, magnitude 5.7, Tokyo, Typhoon Hagibis, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.