P1.1 milyong halaga ng droga nasabat sa China national sa Taguig

 

Timbog ang isang Chinese national sa buy-bust operation na isinagawa ng mga pulis sa Taguig City.

Naaresto si Li Gongli sa nasabing operasyon na naganap dakong alas-10:00 ng gabi, Lunes, January 11 sa may Mulawin St. sa Purok 3, Brgy. Lower Bicutan,Taguig City.

Tinatayang nasa isang kilong shabu na nagkakahalagang P1.1 milyon ang nasamsam kay Li matapos niya itong ibenta sa operatiba ng pulis na nagsasagawa ng operasyon.

Bukod sa shabu, narekober rin sa kaniya ang ang marked money na ginamit ng mga pulis sa buy-bust.

Tubong Fujian, China si Li, pero kasalukuyang naninirahan sa Sta. Cruz, Maynila. Sasampahan na si Li ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...