WATCH: ‘Killer PNP chief’ pwede naman ayon kay Senator Bong Go
Bababa ng 10 araw na mas maaga sa pwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde.
Sa ambush interview sa Camp Castañeda, Silang, Cavite, kinumpirma ng PNP Chief na iiwan niya ang kanyang pwesto sa October 29, imbes na sa November 9 na kanyang retirement day.
Sinabi ni Albayalde na ito ay dahil magaganap ang Change-of-Command Ceremonies sa October 29 na itinugma sa schedule ng Pangulo.
Nakatakda umanong dumalo ang Pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa unang linggo ng Nobyembre.
Dahil dito, sinabi ni Albayalde na matapos ang Change-of-Command o simula October 30 ay nasa bakasyon na siya.
Hindi na rin makakapag-inspeksyon ang PNP-Chief sa mga preparasyon para sa All Saint’s Day break.
Samantala, nagbigay si Sen. Christopher ‘Bong’ Go ng mga pangalan ng mga nag-aagawan para maging PNP Chief.
Kabilang sa kanyang binaggit sina Deputy Chief for Administration Pol. Lt. Gen. Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations Pol. Lt. Gen. Camilo Cascolan at incoming Directorial Staff Chief Pol. Maj. Guillermo Eleazar.
Samantala, naniniwala si Senator Go na malaking hamon sa mauupong PNP Chief na mapag-kaisa ang buong pwersa ng pambansang pulisya.
May report si Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.