Bukas na sa mga motorista ang P264 Million flyover na matatagpuan sa Aguinaldo-Daang Hari Intersection sa Imus City sa Cavite.
Pinangunahan ni Public Works Secretary Mark Villar ang opening ceremony sa four-lane flyover sa Barangay Anabu.
Ang nasabing flyover na may habang 564 meters ang kauna-unahang road bridge sa nasabing lungsod.
Sa pagbubukas ng nasabing flyover ay inaasahang luluwag ang daloy ng trapiko sa intersection ng Aguinaldo Highway at Daang Hari road patungo sa Cavite-Laguna Expressway.
Noong March 2016 pa sinimulan ang nasabing proyekto pero nagkaroon ng aberya ang pagpapatuloy nito dahil sa isyu ng right-of-way.
Samantala noon namang May, 2018 ay muling nabalam ang konstruksyon sa flyover makaraang gumuho ang bahagi nito.