Aguinaldo-Daang Hari flyover sa Cavite binuksan na sa trapiko

By Den Macaranas October 12, 2019 - 06:57 PM

PNA

Bukas na sa mga motorista ang P264 Million flyover na matatagpuan sa Aguinaldo-Daang Hari Intersection sa Imus City sa Cavite.

Pinangunahan ni Public Works Secretary Mark Villar ang opening ceremony sa four-lane flyover sa Barangay Anabu.

Ang nasabing flyover na may habang 564 meters ang kauna-unahang road bridge sa nasabing lungsod.

Sa pagbubukas ng nasabing flyover ay inaasahang luluwag ang daloy ng trapiko sa intersection ng Aguinaldo Highway at Daang Hari road patungo sa Cavite-Laguna Expressway.

Noong March 2016 pa sinimulan ang nasabing proyekto pero nagkaroon ng aberya ang pagpapatuloy nito dahil sa isyu ng  right-of-way.

Samantala noon namang May, 2018 ay muling nabalam ang konstruksyon sa flyover makaraang gumuho ang bahagi nito.

TAGS: aguinaldo-daang-hari, cavite, DPWH, flyover, Imus City, Mark Villar, aguinaldo-daang-hari, cavite, DPWH, flyover, Imus City, Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.