Oil companies may dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa Martes

By Marlene Padiernos October 12, 2019 - 06:52 PM

Muli nanamang magkakaroon ng dagdag at bawas singil sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Oktubre 15, 2019.

Tinatayang aabot sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ng gasolina ang madadagdag sa presyo nito.

Habang P0.30 hanggang P0.45 naman kada litro ang tinatayang mababawas sa presyo ng kerosene.

Ang presyo naman ng diesel ay posibleng manatili o magkaroon ng rollback na nagkakahalaga ng P0.10 kada litro.

Sinasabing ang dagdag presyo sa gasolina ay dahil sa nangyaring maintenance shutdown ng maraming oil refineries dahilan para kumonti ang suplay nito sa Asya

TAGS: diesel, gasolina, kerosene, diesel, gasolina, kerosene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.