Malakas na pagsabog umalingawngaw sa loob ng Bilibid

By Marlene Padiernos October 12, 2019 - 04:34 PM

Ginimbal ng isang malakas na pagsabog ang loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City habang isinasagawa ng mga tauhan ng Bureau of Corrections ang kanilang “clearing operations” sa ilang bahagi ng Bilibid.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang improvised explosive device ang sumabog bandang alas-10 ng umaga sa Quadrant 1 East sector ng Maximum Security Compound.

Samantala, dalawa pang granada ang natagpuan ng K9 team ng Explosive and Ordinance Division sa loob ng isang kubol malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Ayon kay Major Alberto Tapiru, tagapagsalita ng NBP, posibleng ang nangyaring pagsabog at ang mga bombang nakita sa lugar ay itinanim ng mga maimpluwensyang bilanggo sa loob ng Bilibid.

Ito anya ang maaaring reaksyon nila sa ginagawang paghihigpit ng mga otoridad.

Napagalaman naman na ang nasabing lugar ng pagsabog at ang isang kubol malapit dito ay inookupahan ng mga bilanggong galing sa mga extremist groups na Abu Sayyaf, Maute Isis, Rajah Solaiman Group. Jemaah Islamiuah at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyaring insidente at patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng NBP at pulisya upang matukoy ang mga taong salarin sa nangyaring pagsabog.

TAGS: Abu Sayyaf, Bureau of Corrections, Jemaah Islamiuah, Maute Isis, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Muntinlupa City, New Bilibid Prisons (NBP)., Rajah Solaiman Group, Abu Sayyaf, Bureau of Corrections, Jemaah Islamiuah, Maute Isis, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Muntinlupa City, New Bilibid Prisons (NBP)., Rajah Solaiman Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.