Bagyong Hagibis nagtala na ng isang patay sa pananalasa sa Japan

By Den Macaranas October 12, 2019 - 02:34 PM

AP

Isa na ang naitalang patay samantalang maraming iba pa ang naiulat na sugatan sa pananalasa ng Typhoon Hagibis sa Japan.

Bagaman bahagyang humina ang bagyo sa pagpasok sa Japan ay napanatili naman nito ang maximum na 195 kilometers per hour (122 mph) na katumbas pa rin ng Category 3 Atlantic hurricane.

Nagpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Japan partikular na sa central and southern parts ng Honshu.

Hangin na may lakas na 130 kph ang inaasahang hahampas sa southern Japan, kasama na ng Tokyo mamayang gabi.

May mga report rin na nagkaroon ng panic buying sa ilang supermarket kaya mabilis na naubos ang mga pagkain sa mga pamilihan.

Hanggang sa araw ng Linggo ay suspendido na ang lahat ng byahe ng mga eroplano sa Japan dahil sa bagyo.

Pansamantala na ring itinigil ang byahe ng bullet train sa Tokyo, Nagoya and Osaka.

Ang bagyong Hagibis ang pinaka-malakas na bagyong tumama sa Japan sa nakalipas na limang dekada.

TAGS: bullet train, cancelled flights, Hagibis, Japan, Osaka, Tokyo, bullet train, cancelled flights, Hagibis, Japan, Osaka, Tokyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.