US nagpadala ng dagdag na pwersa sa Saudi Arabia
Sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon sa Saudi Arabia ay tuloy pa rin ang pagpapadala ng US ng kanilang tropa sa nasabing bansa.
May kaugnayan pa rin ito sa naganap na drone attack sa Saudi Aramco kamakailan.
Sinabi ni Defense Secretary Mark Esper na sa kabuuan ay 14,000 na ang kanilang tropa sa Saudi Arabia.
May basbas rin umano ni Saudi Crown Prince Mohammad bin Salman ang pagpapadala nila ng mga tauhan sa kaalyadong bansa.
Nauna nang sinabi ng US na ang Iran at Yemen ang nasa likod ng drone attack sa Saudi Arabia.
Bilang isang kaalyadong bansa sa Middle East, sinabi ng US na tungkulin nilang ipagtanggol ang Saudi Arabia sa mga banta ng terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.