PAGASA: Buong Mindanao makararanas ng mga pag-ulan ngayong araw
Ang northeasterly surface windflow o ang hanging nagmumula sa Hilagang-Silangan pa rin ang nakakaapekto sa bansa.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan sa buong Luzon at Visayas maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.
Sa buong Mindanao naman, inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sinabi rin ng PAGASA na napapansin na ang patuloy na pagbaba ng temperatura o unti-unting paglamig sa mga lugar sa Hilagang Luzon.
Patuloy naman ang paglayo ng Typhoon Hagibis sa bansa na huling namataan sa layong 1,895 kilometro Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Samantala, nakataas ngayon ang gale waring at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan Islands, Cagayan, northern coast ng Ilocos Norte, Aurora at Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.