Mga Filipino sa Japan pinag-iingat sa pananalasa ng Typhoon Hagibis
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Japan sa gitna ng napipintong papanalasa ng Typhoon Hagibis simula ngayong araw.
Sa pahayag ng DFA araw ng Biyernes, pinayuhan ang mga Filipino na iwasang bumiyahe sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Inaasahan umano ang malakas na ulan, hangin, mataas na alon at posible ring magkaroon pa ng storm surges.
“The [Philippine] Embassy has asked Filipinos in Japan to be careful as heavy rains, strong winds, high waves, and storm surges are likely to occur, and to avoid travelling to potentially affected areas until the typhoon has dissipated,” ayon sa DFA.
Pinayuhan ang mga Filipino na makipag-ugnayan sa embahada sakaling mangailangan ng tulong sa numerong +81 80 4928 7979 and +81 80 7000 7979.
Nasa 290,000 Filipino ang naninirahan sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.