Magnanakaw sa India, sapilitang pinakain ng 40 pirasong saging

By Kathleen Betina Aenlle January 11, 2016 - 10:44 PM

 

Mula sa Google

Matagumpay na naisagawa ng mga pulis sa Mumbai ang kakaibang estilo para mabawi ang ninakaw na gold chain ng isang lalaking naaresto nila.

Nilunok kasi ng magnanakaw ang gold chain na hinablot niya mula sa isang babae sa kalsada sa Mumbai, para maitago at maitanggi ang ginawang krimen.

Bagaman mariin niyang itinanggi ang krimen, lumabas naman sa X-ray sa ospital na totoong nilunok nga niya ang alahas.

Bigong umepekto ang enema na isinagawa ng mga doktor para mapa-dumi ang magnanakaw, at iminungkahi na operahan na lamang ito.

Pero dahil mapapagastos sila, dito na naisipan ng mga pulis na sapilitang pakainin ng mahigit apatnapung saging ang magnanakaw sa buong araw.

Kalaunan ay nailabas rin ng magnanakaw ang alahas, at mismong siya rin ang inutusan ng mga pulis na hugasan at i-disinfect ito.

Iniharap na sa korte ang magnanakaw at kasalukuyan nang nasa kamay ng mga otoridad.

Ayon sa mga ulat, hindi ito ang kauna-unahang beses na ginamitan ng prutas ng mga pulis ang ganitong sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.