DILG: Road clearing ops ng LGUs ‘generally successful’

By Rhommel Balasbas October 12, 2019 - 02:14 AM

Itinuturing na matagumpay ng Department of Interior and Local Government (DILG) na matagumpay ang clearing operations na isinagawa ng local government units (LGUs) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang press briefing araw ng Biyernes sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na 97 lamang sa kabuuang 1,245 na lungsod at bayan ang hindi sumunod sa utos ng presidente.

Ang 97 ay non-compliant at nakatakdang magpalabas ang kagawaran ng Show Cause Orders laban sa mga ito.

Kapag natanggap ang show cause order ay dapat makapagpaliwanag sa loob ng limang araw ang 97 LGUs ukol sa kanilang naging non-compliance.

Ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang nagpabaya at posibleng mapatawan ng preventive suspension.

Narito ang breakdown ng bilang ng mga LGU na bigong sumunod sa ipinag-utos na clearing operations:

  • Region IX (19)
  • Region X (13)
  • Region VII (12)
  • Region I (11)
  • Region V (10)
  • Region VIII (8)
  • Region IV-B (7)
  • Region XIII (4)
  • CAR (4)
  • Region XI (3)
  • Region XII (3)
  • Region II (1)
  • Region III (1)
  • Region VI (1)

Samantala, pasado sa validation ng DILG ang 1,148 na LGU kung saan 328 ay nagpakita ng high compliance, 497 ay nagpamasalas ng medium compliance habang 323 ang mayroong low compliance.

Sa kabuuan, sinabi ni Año na umabot sa 6,899 ang kabuuang bilang ng kalsada na nalinis mula sa obstructions.

TAGS: compliant, Department of Interior and Local Government (DILG), DILG Sec. Eduardo Año, generally successful, local government units (LGUs), road clearing operations, compliant, Department of Interior and Local Government (DILG), DILG Sec. Eduardo Año, generally successful, local government units (LGUs), road clearing operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.