72-anyos na lola, sugatan matapos masagi ng tren sa Maynila

By Noel Talacay October 11, 2019 - 07:06 PM

FILE PHOTO

Isinugod sa ospital ang isang matandang babae matapos itong masagi ng tren ng Philippine National Railways (PNR), Biyernes ng hapon, Oct. 11.

Nakilala ang biktima na si Delia Cercado, 72-anyos at residente ng lungsod ng Caloocan.

Ayon sa taga pagsalita ng PNR na si Jo Geronimo, bandang ala-1:55 ng hapon tumawid sa riles ng tren ang biktima sa bahagi ng Zobel Roxas St. malapit sa istasyon ng PNR sa Vito Cruz dahilan para masagi ito ng tren na nasa northbound na biyaheng Manila.

Batay sa ulat ng Sta. Ana Police, nagtamo ng pinsala ang biktimang lola sa kanyang ulo, kamay at binti.

Bandang alas-2:20 ng hapon, isinugod ang biktima sa Makati Medical Hospital para mabigayan ng lunas sa pinsalang natamo nito.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit sa nasabing insidente.

TAGS: 72-anyos na lola, Delia Cercado, Jo Geronimo, Manila Police District Traffic Enforcement Unit, Philippine National Railways (PNR), PNR, Sta. Ana Police, sugatan matapos masagi ng tren sa Maynila, Vito Cruz, Zobel Roxas St, 72-anyos na lola, Delia Cercado, Jo Geronimo, Manila Police District Traffic Enforcement Unit, Philippine National Railways (PNR), PNR, Sta. Ana Police, sugatan matapos masagi ng tren sa Maynila, Vito Cruz, Zobel Roxas St

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.