Isyu sa isinumiteng komento ni Guanzon sa SC hindi pa nare-resolba ng Comelec

By Den Macaranas January 11, 2016 - 07:42 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Inamin ng Commission on Elections (Comelec) na bigong resolbahin ng ginawang en banc session ang isyu sa isinumiteng komento na isinulat ni Commissioner Rowena Guanzon sa Supreme Court.

Ipinaliwanag ni Comelec spokesman James Jimenez na tumutok ang usapin sa ginanap sa sesyon sa pagsasa-pinal sa posisyon ng poll body sa apela ni Sen. Grace Poe kaugnay sa granted petition na inihain ni Atty. Estrella Elamparo na hinimay ng Second Division ng poll body.

Nakatuon ang isyu sa pag-kwestyon ng nasabing abogado sa kabiguan ni Poe na maabot ang Constitutional residency requirements para sa isang kandidato sa Presidential election.

Sinabi ni Jimenez na pumirma sa nasabing komento na isusumite sa Mataas na Hukuman ang lahat sa pitong Commissioners ng Comelec.

Bukas ay nakatakdang pagbotohan ng en banc ang komento na nauna nang isinumite ni Comm. Guanzon sa Supreme Court noong nakaraang araw ng Huwebes kung saan ay tinawag itong “unauthorized” ni Chairman Andres Bautista.

Ipinaliwanag din ni Jimenez na nagkaroon ng kontrobersiya sa nasabing komento dahil karaniwan anyang ang Solicitor General (SolGen) ang nagsusumite ng pleading ng Comelec bagay na hindi nangyari sa pagkakataong ito dahil ang Senate Electoral Tribunal (SET) ang kinatawan ng Office of the Solicitor General sa kaso.

Idinagdag pa ni Jimenez na lilinawin sa sesyon bukas ang protocol sa pagsusumite ng komento sa Mataas na Hukuman para maiwasan na ang kalituhan sa mga susunod na pagkakataon.

TAGS: bautista, comelec, Guanzon, OSG, SET, bautista, comelec, Guanzon, OSG, SET

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.