Ayon kay Belmonte ang Task Force ang siyang makikipag-ugnayan sa mga developers at ahensiya ng pamahalaan gayundin ay makikipag tulungan upang maibsan ang inaasahang problema na idudulot ng proyekto sa daloy ng trapiko.
Ang sabay-sabay na sisimulang gagawin sa QC ay ang Subway, Segment 8.2, Skyway 3, LRT 1/MET 3 at MRT 7 common station.
Sinabi ni Belmonte na patuloy anya ang ginagawang pagpapabuti sa daloy ng trapiko sa mga lansangan laluna ngayong nalinis na ang mga kalsada mula sa mga illegal vendors at mga illegal structures.
Hindi anya natatapos ang paglilinis ng mga tauhan sa mga lansangan at laging patututukan kahit tapos na ang naitakdang 60 days clearing operations ng DILG.
Hinikayat din ni Belmonte ang QC Council na magpasa pa ng mga dagdag na measures na susuporta sa pagpapahusay pa ng mga programa para maibsan ang matinding traffic sa QC.