Task Force Build 5 binuo ni Mayor Joy Belmonte para sa BBB program ni Pangulong Duterte

By Jong Manlapaz October 11, 2019 - 04:09 PM

Binuo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Task Force Build 5 upang mapaghandaan ang magiging epekto ng pagsisimula ng sabay sabay na infrastructure projects ng pamahalaan sa QC sa ilalim ng Build Build Build program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Belmonte ang Task Force ang siyang makikipag-ugnayan sa mga developers at ahensiya ng pamahalaan gayundin ay makikipag tulungan upang maibsan ang inaasahang problema na idudulot ng proyekto sa daloy ng trapiko.

Ang sabay-sabay na sisimulang gagawin sa QC ay ang Subway, Segment 8.2, Skyway 3, LRT 1/MET 3 at MRT 7 common station.

Sinabi ni Belmonte na patuloy anya ang ginagawang pagpapabuti sa daloy ng trapiko sa mga lansangan laluna ngayong nalinis na ang mga kalsada mula sa mga illegal vendors at mga illegal structures.

Hindi anya natatapos ang paglilinis ng mga tauhan sa mga lansangan at laging patututukan kahit tapos na ang naitakdang 60 days clearing operations ng DILG.

Hinikayat din ni Belmonte ang QC Council na magpasa pa ng mga dagdag na measures na susuporta sa pagpapahusay pa ng mga programa para maibsan ang matinding traffic sa QC.

TAGS: Bild, QC Council, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Rodrigo Duterte, Task Force Build 5, Bild, QC Council, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Rodrigo Duterte, Task Force Build 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.