Pagsabog sa Bilibid pinaiimbestigahan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra

By Jan Escosio October 11, 2019 - 02:27 PM

File Photo

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bucor Director General Gerald Bantag na masusing imbestigahan ang pagsabog sa loob ng New Bilibid Prison.

Nabatid na pinagsusumite na rin ni Guevarra ng paunang written report si Bantag hinggil sa insidente.

Katuwang ng Bucor sa pag-iimbestiga sa pagsabog ang PNP.

Sa paunang impormasyon, wala ng preso sa Quadrant 4 dahil nailipat na ang mga ito sa Quadrant 3 dahil kailangan nang gibain ang mga kubol base na rin sa utos ni Bantag.

Hindi pa nakakatiyak kung sinong grupo ang nag okupa sa lugar kung saan naganap ang pagsabog bagamat doon nanatili ang mga preso na miyembro ng Abu Sayyaf Group, Maute, ISIS, Jemaah Islamiyah, Rajah Solaiman at MILF.

TAGS: Bucor Director General Gerald Bantag, Justice Secretary Menardo Guevarra., NBP, pagsabog sa bilibid, Bucor Director General Gerald Bantag, Justice Secretary Menardo Guevarra., NBP, pagsabog sa bilibid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.