outbrain

Indian national patay sa pamamaril sa Lapu-Lapu City

By Jimmy Tamayo October 11, 2019 - 02:15 PM

Nasawi ang isang Indian national matapos pagbabarilin sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City bago mag-alas-12:00 ng hapon ng Biyernes (October 11).

Kinilala ang biktima na si Gagan Deo Singh, 29-anyos at residente ng Sitio Abuno, Barangay Pajac sa nasabing lungsod.

Sakay si Singh ng kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng hindi pa tukoy na suspek sa Sitio Iba sa naturang barangay.

Walang ibang detalye sa pagkakakilanlan sa biktima na napag-alaman na nangungupahan lang sa isang apartment.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang.

TAGS: indian national, Lapu-Lapu City, Pamamaril, patay, indian national, Lapu-Lapu City, Pamamaril, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.