Mas malalang trapiko sa Metro Manila ibinabala ni Rep. Erice sa mga susunod na buwan

By Erwin Aguilon October 11, 2019 - 12:39 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ibinabala ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Transportation (DOTr) na makakaranas pa ng pinakamalalang traffic ang Metro Manila pagpasok ng Nobyembre.

Ayon kay Erice, kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga motorista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation pagsapit pa lamang ng unang linggo ng Nobyembre.

Ito ay dahil na rin sa nalalapit na South East Asian games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 at ang Christmas rush sa papalapit na Disyembre.

Sa taya aniya ng MMDA, madadagdagan ng 20% pa ang volume ng mga sasakyan sa EDSA at tiyak na magmimistulang parking space ang pangunahing lansangan.

Dahil dito, muli nanamang itinutulak ni Erice na ipagbawal tuwing rush hours ang mga private vehicles sa EDSA.

Paliwanag ni Erice, ito lamang din ang mabilis at epektibong paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuters ngayong Christmas season.

Nauna ng umani ng negatibong komento mula sa mga private car owners si Erice dahil saan naman sila dadaan kung EDSA lang talaga ang ruta ng byahe at hindi naman maayos ang public transport sa bansa.

TAGS: Christmas Rush, dotr, mmda, Rep. Edgar Erice, South East Asian games, traffic, Christmas Rush, dotr, mmda, Rep. Edgar Erice, South East Asian games, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.