600,000 residente apektado ng preemptive blackout sa California dahil sa panibagong wildfires

By Jimmy Tamayo October 11, 2019 - 12:08 PM

Mahigit sa kalahating milyong residente sa California ang walang kuryente matapos na putulin ang supply dahil sa nagaganap na sunog sa Los Angeles.

Bahagi ito ng preemptive blackouts na ipinatupad ng Pacific Gas & Electric matapos sumiklab ang sunog sa silangang bahagi ng Los Angeles.

Ayon sa ulat, nasa 200 ektarya na ang apektado ng sunog at pinangangambahan na kumalat pa sa ibang lugar dahil sa malakas na hangin.

Noong Nobyembre ang mga lumang linya ng kuryente ang isa sa nagpalala sa sunog na ikinasawi ng 86 katao.

Iniutos na ng fire officials mula sa Riverside County ang mandatory evacuation ng mga residente sa paligid ng Villa Calimesa Mobile Home Park sa Calimesa sa silangang bahagi ng Los Angeles.

TAGS: California, LA, preemptive blackout, wildfires, California, LA, preemptive blackout, wildfires

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.