Brodkaster sugatan sa ambush sa Davao Del Norte

Sugatan ang isang broadcaster matapos tambangan sa harap ng kaninang bahay sa Davao del Norte.

Ayon sa ulat, sakay ang mamamahayag na si Pat Lucero Pacquiao ng kanyang kotse at papasok na ng gate ng bahay

nang pagbabarilin ng suspek.

Si Pacquiao, na nagsisilbi rin bilang provincial public information officer, ay tinamaan sa kanang balikat.

Sa kwento ni Pacquiao, nakasuot ng bull cap at naka-takip ng panyo ang mukha ng isa sa suspek na bumaril sa kanya.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...