outbrain

Mataas na trust at approval rating ni Speaker Cayetano pinapurihan ng PDP-Laban sa Kamara

By Erwin Aguilon October 11, 2019 - 11:35 AM SHARE(S):
File Photo

Pinapurihan ng PDP-Laban ang mataas na approval at trust ratings ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakahuling Pulse Asia Survey.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, pinuno ng PDP-Laban contingent sa Kamara na nagpapakita lamang ang mataas na resulta ng survey sa kagustuhan ng publiko sa ginagawa ng House Speaker at ng mga miyembro nf Kamara sa loob ng unang dalawang buwan ng 18th Congress.

Record time anya na naipasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang P4.1T 2020 General Appropriations Bill gayundin ang iba pang mga priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Velasco ang kahalagahan ng ginagawa ng Kamara kaya importante rin na naipapaabot sa publiko ang kanilang mga natatapos na trabaho.

Masaya din anya ang PDP-Laban na epektibo si Cayetano at ang liderato ng Kamara na maipabatid sa publiko ang mga achievement at mga plano ng Mababang Kapulungan.

Umaasa rin ito na mapapanatili ng Kamara ang kanilang performance at patuloy naman itong kikilalanin ng publiko.

TAGS: Mataas na trust at approval rating ni Speaker Cayetano, pinapurihan ng PDP-Laban sa Kamara, Mataas na trust at approval rating ni Speaker Cayetano, pinapurihan ng PDP-Laban sa Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.