Lalaki patay sa pamamaril sa Brgy. Tisa, Cebu; shabu natagpuan sa compartment ng motorsiklo

By Jimmy Tamayo October 11, 2019 - 11:00 AM

Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa loob ng pribadong subdibisyon sa Barangay Tisa, Cebu huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Brian Lopez, 36 anyos at residente ng Barangay San Nicholas.

Bandang alas-9:00 Huwebes (October 10) ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang mga residente at ng kanilang alamin ay nakita na lamang na nakabulagta sa kalsada ang isang lalaki katabi ang isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, natagpuan ang basyo ng bala ng isang kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.

May nakuha rin na hindi pa matiyak na dami ng shabu na nakasilid sa plastic bag sa compartment ng motorsiklo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung ano ang motibo sa pamamaslang.

TAGS: Brgy. Tisa, cebu, Lalaki patay sa pamamaril, shabu natagpuan sa compartment ng motorsiklo, Brgy. Tisa, cebu, Lalaki patay sa pamamaril, shabu natagpuan sa compartment ng motorsiklo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.