Panukala para gawing P30,000 ang entry level ng mga nurse patuloy na isusulong ng Makabayan bloc sa Kamara
Patuloy pa ring isusulong ng Makabayan bloc sa Kamara na maisabatas ang P30,000 na entry-level monthly salary ng mga nurses.
Ito ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ay kanilang ipaglalaban kahit na kinatigan ng Korte Suprema ang probisyon sa Philippine Nursing Act na dapat ay Salary Grade 15 ang basic na sweldo ng mga nurses ay hindi naman maoobliga ng nasabing desisyon na ipatupad ito ng gobyerno at kakailanganin pa rin ang batas para dito.
Napapanahon na aniya para ibalik ang mga hirap at sakripisyo sa pagseserbisyo ng ating mga nurses.
Ikinatuwa din ni Gaite ang desisyon ng Korte Suprema na isang positive development sa matagal nang panawagan ng mga nurses.
Sakaling maging ganap na batas ay makakatulong ito para maiwasan na ang exodus ng mga Filipino nurses abroad lalo pa’t nahaharap ang bansa sa banta ng maraming sakit tulad ng polio, dengue, measles at public health crisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.