Rehab at repair ng LRT-2 mapapadali pa ayon kay Sen. Grace Poe

By Jan Escosio October 11, 2019 - 09:10 AM

Kumpiyansa si Senator Grace Poe na hindi aabutin ng siyam na buwan para manumbalik sa normal ang operasyon ng LRT Line 2.

Ayon kay Poe ibinahagi ni Dr. Paul Chua, ang deputy for operation and engineering ng LRTA, nagsasagawa na sila ng assessment sa mga pinsala sa kanilang tatlong substations.

Ibinahagi ni Chua sa Senate Committee on Public Services na pinayagan na sila ng Bureau of Fire na mabusisi ang kanilang mga rectifiers para malaman nila kung anong spare parts ang papalitan.

Paliwanag ni Chua ang unang anunsyo na aabutin ng siyam na buwan ang pagsasaayos ay ‘worst case scenario’ lang.

Banggit pa nito, sa 189 spare parts na maaring kailanganin, 178 ang mayroon silang stock sa kanilang bodega.

Sa pagdalo ni Poe sa meeting ng technical working group ng komite positibong balita ang ibinahagi ni Chua.

Aniya dapat ay matigil na ang sisihan at ibuhos na lang ang panahon sa paghahanap ng solusyon.

TAGS: 'worst case scenario', Dr. Paul Chua, LRT 2, LRTA, LRTA-deputy for operation and engineering, sen grace poe, technical working group, 'worst case scenario', Dr. Paul Chua, LRT 2, LRTA, LRTA-deputy for operation and engineering, sen grace poe, technical working group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.